ALS Message

ALS Message

Tulong-tulong sa Pagsulong ng ALS Education!

Mula sa sigasig ng mga tunguhin, paninindigan at alab ng mga makabansang hangarin sa pagtiyak ng Kolektibo at De-kalidad na Edukasyon Para sa Lahat, ang ating kasalukuyang Pamahalaan katuwang ang Kagawaran ng Edukasyon-NCR ay patuloy ang dangal, giting at kompiyansa nitong mapabuti pa lalo ang paghahatid ng mga makabuluhang programa’t serbisyong pang-edukasyong huhubog sa isang mas matuwid, matatag at maunlad na kinabukasan para sa lahat. Kaya naman, isang ikinararangal na kapakinabangan ang halagang ginagampanan ng Alternatibong Sistema ng Pag-aaral (ALS) sa buhay at pangarap ng sinuman sa ating mga kabataan at katandaan na nawalan ng pagkakataon sa pormal na edukasyon. Ang pagsusumikap na ito ay nakasalig mismo sa pangmatagalang mithiin ng Kagawaran na dalhin ang edukasyon kung saan naroroon ang ating mga kababayang gustong matuto kahit anong edad o estado sa buhay.

Ngayon, isang pagbati sa mga estudyante ng NCR-ALS na naniniwala at patuloy na nagtitiwalang sa ALS nila nakikita ang simula ng pag-abot ng kanilang mga pangarap sa buhay. Nawa’y patuloy na pagkalooban ng katalinuhan at kalakasan ang lahat, lalo na ang mga namumuno at nagpapalakad sa programa ng ALS, maging mga DALSC, Mobile Teachers at Instructional Managers. Tandaan, na kayo ang UBOD at BUOD ng tagumpay ng ALS. Ating ipagpatuloy ang mga magagandang nasimulan. Katulad ng dati, ating pahusayin, palakasin at isulong ang tagumpay ng bawat isa, para sa ating mga pamilya, higit na sa mas malalim na panata sa ating Republika.

Mabuhay tayong lahat! Mabuhay ang ALS-NCR!

Dr, Archie Manalo, 

ALS Head, February 1, 2017- June 30, 2018

Department of Education-National Capital Region